Tunay na Pangalan: Karol Wojtyla
Palayaw: Lolek
Ama: Karol, isang opisyal ng militar
Ina:Emilia Kaczorowska, isang guro
Kapanganakan: May 18, 1920 sa Wadowice, Poland
Nasyonalidad:Polish
Unang hilig: Maging aktor sa Teatro
Unang Trabaho: Manggagawa sa Pabrika [habanbg nag-aaral]
1946, edad 26: Nagtapos ng pag-aaral sa seminaryo sa Krakow at naordehan na pari
1948: Natanggap ang kanyang "Doctorate in Philosophy" mula sa Unibersidad ng Angelicum sa Roma
Edad 38: Naging katulong na Obispo sa Krakow
1964: Naging Arsobispo
1967, edad 47: Ginawang Cardinal ni Papa Paulo VI. Bilang Karol Cardinal Wojtyla, siya ay masigasig na kasapi sa Second Vatican Council; kaanib sa "Church's Sacred Congregations on the Sacraments, Divine Worship, Clergy and Catholic Education"
1978, edad 58: Naging ika-264 na Papa. Siya ang unang Papa mula sa Poland at siya rin ang unang di-Italyano mula pa kay Adrian VI (1522)
1981, Pebrero: Unang Pagdalaw ng Santo Papa Juan Pablo II sa Pilipinas at ginanap ang beatipikasyon ni San Lorenzo Ruiz, ang Unang Pilipinong Santo.
Wikang alam:Polish, German, Italian, French, English, Russian, Spanisg, Lithuanian, Portuguese, Czechoslavakian, Latin at Japanese.
Libangan at hilig na laro: Swimming, skiing, football, canoeing, mountain climbing
Malimit na masambit: "Praise be Jesus Christ, now and forever"
Motto: "Totus Tuus, Maria" [Ako'y Iyong-iyo, Maria]
Pahatid para sa Kabataan: "Kayo ang kinabukasan ng ating bansa at pag-asa ng Simbahan
Kamatayan: April 2, 2005
Beatipikasyon: May 1, 2011
No comments:
Post a Comment