Friday, July 20, 2012

KUYA PEDRO CALUNGSOD


KUYA PEDRO


Written and Sang by Jamie Rivera
Music composed and Arranged by Noel Espenida


Ang pagtulong sa kapwa'y pagmamahal sa Diyos
Ang taong tapat sa Diyos umiibig ng taos
Pananampalataya sa ama'y binubunyi
Ganyan ang Kuya Pedro ko, alagad na totoo.
Di ka niya iiwan sa panahon ng pighati
Huwaran ng kabataan, larawan ng katapangan
kaibigang tunay na nag-alay ng buhay
'yan nga ang kuya Pdero ko, kaibigang totoo.

Refrain:

Pinagpala ka Kuya Pedro, na magturo sa buong mundo
Ng pagmamahal sa Diyos, ng pag-ibig niyang lubos
Kuya Pedro kami'y turuan mo
May pag-ibig sa kapwa sa'n man mapunta
Tumutulong sa tao 'di man niya ito kilala
At kapayapaan ang siyang minimithi
Siya nga ang Kuya Pedro ko, kapatid na totoo.

(Repeat Refrain 2x)
Coda

Kuya Pedro kami'y turuan mo.
Kuya Pedro kami'y tulungan mo.

Sunday, July 8, 2012

CFAM YOUTH ASSEMBLY



The Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila (CFAM) will hold its 1st quarterly CFAM YOUTH ASSEMBLY for the SCHOOL YEAR 2012 – 2013 on July 21, 2012 at San Bartolome de Novaliches Parish, Quirino Highway, Quezon City with the theme, “Life that is Offered, Faith that is Proclaimed.”   This whole day event aims to:

1.    continue the spirit of the Year of the Youth,
2.    establish and strengthen the youth’s relationship with Christ like Blessed Pedro Calungsod,
3.     rovide opportunities for personal growth and encourage community involvement, and,
4.     inspire and empower the youth to become citizen imbued with the Gospel Values for the service of the society and the local Church.


This gathering will be participated by young people from public high school of the Archdiocese of Manila and other suffragan dioceses.


Wednesday, March 14, 2012

Friday, March 9, 2012

PINTUAN NG PANANAMPALATAYA



(Talk delivered by His Excellency Most Rev. Luis Antonio G. Tagle, Archbishop of Manila during the MAGPAS First Saturday Catechesis on March 3, 2012, at 10:30 a.m. at the Paco Catholic School Auditorium.)

Ito ang magaganap buwan-buwan, ang MAGPAS. Sa tingin ko, ito ay hindi lang isang activity ng Archdiocese of Manila. Ito ay isang ecclesial event. Ito ay kaganapan ng buong simbahan na kinakatawan nating lahat at ito ay magbubuo ng sambayanan. We are a church here.

The Holy Father Pope Benedict XVI declared that from October 2012 to November 2013 magkakaroon ng Year of Faith, Panahon ng Pananampalataya. Pero hindi lamang iyon. Dito naman po sa atin sa CBCP nagkaroon din po ng deklarasyon na ang taong ito ay magiging Year of Mission,  Taon ng Misyon, bilang paggunita po sa anibersaryo ng pagkakatatag ng Pontifical Mission Societies dito sa ating bansa. Kaya po minarapat na itong buong taon ng 2012 sa ating mga MAGPAS assemblies baka itong dalawang ito ang ating tuhugin, Year of Faith and Year of Mission. At atin po itong iuugnay sa Archdiocesan Vision.

Kung titignan po natin ang pananampalataya at ang misyon magkasama, magkakambal iyan. Ang mananampalataya dapat maging misyonero. At ang tunay na misyon para sa atin sa simbahan nakaugat sa pananampalataya. Hindi puwede paghiwalayin. Hindi ko puwedeng sabihin, “Ah, basta ako, tututok na lang ako sa pananampalataya, wala akong pakialam sa misyon.” Hindi ko rin puwedeng sabihin, “Basta magmi-misyon na lang ako at magmi-misyon, wala akong pakialam sa pananampalataya.” Hindi po. Ang tunay na nananampalataya, yung likas at sigla ng pananampalataya mo ang magtutulak sa iyo para maging misyonero.

At kung tunay kang nagmimisyon, hahanapin mo ang ugat ng misyon mo, at sana ang ugat niyan ay pananampalataya. Hindi iyong para akong aktibong misyonero yun naman pala ay kaya ang dami kong ginagawa ay para sumikat ako.  Yung iba parang very missionary, lahat na ng ministry member siya. Napakamissionary pero tanungin mo ano kaya ang ugat?

Meron po akong nakilalang isang babae na pag linggo, alas kuwatro ng umaga nasa simbahan na, naglilingkod. Ang uwi niya pagkatapos pa ng misa ng alas siyete, eh di mga 8:30 na. Talagang hangang hanga ako, sabi ko, “Alam po ninyo, napapahiya po ako pag nakikita ko kayo. Parang mas misyonaryo pa kayo kaysa sa akin. Mabuti na lamang at ang inyong pamilya ay hinahayan kayo. At pag araw ng linggo, hindi kayo pinipigilan. Mabuti na lamang maunawain ang asawa niyo at inyong mga anak.” Sabi sa akin, “Kaya nga po ako maghapon dito sa simbahan, ayaw ko pong makita ang asawa ko at mga anak ko.” Misyon ba iyon? Pagtakas pala! Pagtakas sa pamilya. Hindi misyon iyun! Kinabahan tuloy ako kasi, ka-almusal niya si Father. Ka-merienda niya si Father. Katanghalian niya ang assistant ni Father. Ewan ko kung saan siya nag-si-siesta! Aba, hindi pala pananampalataya kundi pagtakas lang pala sa minimahal na asawa at mga anak. Sabi ko, “Ganuon ba ang misyon? Ang misyon ba ang tagasira ng pamilya?

Nung Year of the Family, sa dami ng meeting on the family ang daming pamilya ang hindi na nagkikikita kita. Kailangan nating i-review ang pananampalatayang umuuwi sa misyon. Ang tunay na misyon na walang hinahangad kung hindi dahil, “ibig kong makatugon sa aking pananampalataya. Buong taon po nating pagsisikapan iyan. Itong taong ito naanyayahan tayo ng simbahan na buong taon ay dalawang tema ng pananampalataya at misyon at atin daw pong palalimin ang pagkaunawa, limilimiin, at ito po ating ipahayag sa iba.

Sa umaga pong ito dalawang bagay lang po ang aking bibigyan ng pansin, kasi po baka naman tayo ay ma-indigestion kapag isisiksik natin lahat.

Ang una po isang maigting na pagpapaliwanag ukol sa pananampalataya. Nais ko pang basahin ang sinabi ng Santo Papa na bahagi ng Bibliya, ang Gawa ng mg Apostol, Acts chapter 14, verse 27. Ito pong chapter 14 ay hinggil sa mga misyon ng mga apostoles lalo na po ni Pablo, ni Barnabas. At pagdating po dito starting with verse 21, natapos ang kanilang unang misyon. So kita niyo, ang contekto ay misyon, pagdating po sa verse 27, ito po ang sinasabi.

And when they arrived they called the Church together and reported what God had done with them and how He had opened the door of faith to the Gentiles.

Pagdating ng mga misyonero sa Lystra, ikinuwento nila sa mga Kristiyano ang isang naging malaking bunga ng kanilang misyon, na pinagpapasalamat nila at nakita nila. Ano iyon? Binuksan ng Diyos ang pintuan ng pananampalataya sa mga Hentil. Pag bukas ng pintuan ng pananampalataya nagaganap sa misyon. At ito po ang ginamit ng Santo Padre bilang titulo ng kanyang Sulat hinggil sa Year of Faith—Porta Fide—ang Pintuan ng Pananampalataya.

Pintuan. Pinto. Ano ba ang ginagawa natin sa pinto? Diyan tayo dumaraan. Ang pinto bukas, sara. Pero pag binubuksan ang pinto ano ang inaasahan natin? Papasok. Papasok ka sa isang bagong mundo. Kaya po ang pintuan ay hindi dapat bahagi ng bahay. Ang pintuan po ay may malalim, espiritual, biblical, missionary, pastoral meaning. Kaya nga pag may Holy Year o Jubilee yung Holy Door po ay binubuksan. At sa simbahan yung door na kalimitan po ay may carvings pa ay catechetical at si Hesus mismo ang nagsabi, “Ako ang daan. Ako ang pintuan papasok sa kawan.” At ginagamit pa naman ng ating Santo Padre sa pamamagitan ng Gawa ng mga Apostol itong larawan, image, ng pananampalataya.

Kapag pumasok tayo sa pinto ng pananampalataya, pumapasok sa isang panghabuhay na paglalakbay. Kanina pagpasok natin, pumasok tayo para umupo. Pagpasok, upo. Pero kapag ang pintuan ay pananampalataya, pagpasok mo hindi ka na uupo. Sa pananampalataya, habang buhay kang maglalakbay. Habang buhay na po ang paglalakbay kapag dumaan sa pintuan ng pananampalataya.

Siguro tatanungin natin, “Paglalakbay patungo saan?” Saan ba ako dadalhin ng paglalakbay na iyan. Where will it lead me? Nakakatakot yatang pasukin yang pintuang iyan. Baka kung saan ako makarating. Lifetime pa naman. Ito po kapag ang pintuan ay Pinto ng Pananampalataya, papasok tayo sa habang buhay na paglalakbay tungo sa ganap na pakikisa sa Diyos Ama sa pamamagitan ni Hesus na ating Daan at sa lakas ng Espiritu Santo. Diyan tayo patungo: ganap na pakikisa sa Diyos Ama. Pero paano tayo makikipagisa sa Ama kung hindi sa pamamagitan ng Anak. At paano natin makikilala ang Anak bilang panginoon natin kung hindi sa bisa ng Espiritu Santo.

Kung titignan po natin, itong pinto na ito ng pananampalataya na uuwi sa pang habang buhay na paglalakbay tungo sa pakikisa sa Diyos nating Banal na Santatlo. Ito ay nagaganap din sa loob ng simbahan, sa community. Kaya ang pinto ng pananampalataya ay pinto din ng simbahan, na siyang bayan ng Diyos, katawan ni Kristo at templo ng Espiritu Santo.

Ang pintuan pong ito ay nakapagpapabago ng pintuan sa buhay. At napakaganda po na ito ay katugma sa ating Archdiocesan Vision, kasi  nakatutok ang ating archdiocesan vision sa kaganapan ng buhay, fullness of life. Pero pag pinag-usapan ang pananampalataya, ang fullness of life ay communion with Father through communion with the Son, in communion with the Holy Spirit. Kaya nga pati ang ating vision ay trinitarian. Tinawag ng Ama... kay HesuKristo, sa kapangyarihan ng Espiritu Santo pero ano mabubuo? Community of persons ng nakakaranas ng kaganapan ng buhay. Napakaganda po ng ating Vision. Tugmang tugma dito sa Year of Faith.

Ang tanong po ng mga Pilosopo... “Ok, ok. Alam namin ang pinto ng pananampalataya, eh sino ba ang magbubukas niyan?” Ang sagot po natin diyan, “Ang Diyos mismo ang nagbubukas ng pinto. Siya ang magpapasok sa atin. Ang ibig sabihin po, ang pananampalataya ay biyaya ng Diyos. Siya ang nangunguna. Siya ang nag-aanyaya. Ang pananampalataya ay hindi bunga ng atin lamang makataong pagsisikap at kagustuhan. Faith is a gift. It comes from God. It is grace. So it is God who opens the door of faith.

Kaya naalaala niyo sinasabi sa ebanghelyo, “Help my unbelief.” Hilumin mo ang kakulangan ko ng pananampalataya. Ang Diyos mo ang magbubuhos sa ating ng biyaya ng pananampalataya. Siya ang magbubukas ng pinto. Pero pagnabuksan na niya nasa atin naman ang desisyon kung papasok o hindi. So meron pa rin tayong papel. Ang pananampalataya ay biyaya ng Diyos na ibinibigay sa atin pero nasa atin na kung tatanggapin natin yung biyaya at papasok na tayo duon sa pinto. At nasa pagtatagpo ng Diyos na nagbubukas sa pinto ang taong nagsasabi, “sige, papasok na ako”, nandiyan ang ganap na pananampapalataya.

Siguro ang iba sa inyo nakaranas na nang ganyan. Meron kayong hinahabol habol dahil gustong gusto ninyo. Gusto niyong maging kaugnay. Gusto niyong maging boyfriend o girlfriend. Ino-offer niyo na ang inyong pag-ibig. Lahat na ay ginawa niyo para kayo ay mapansin. Nagpapabango kayo, para maamoy. Paubo-ubo kayo para marinig kayo. Palakad lakad kayo na talaga namang TOK, TOK, TOK, para tignan kayo. O, nagawa niyo na ang papel ninyo, mag offer man kayo pero kung ayaw tanggapin hindi magbubunga ang samahan. Kung pipilitin niyo, hindi tunay na pagibig iyon. Pilit eh.

May natanungan nga ako sa isang Family Encounter, sabi ko, “Eh, kayo ho, misis, papaano hong nangyari na siya, si mister, ang inyong pinakasalan?” Hindi nahiya yung misis, sa harap ng madla nagsabi, “Eh wala naman ho akong mapili, siya lang naman po ang nanligaw sa akin.” Parang, “hindi ko naman ho siya pinili talagang malapit na sa ora ng peligro, wala pang nanliligaw, eh ito lang ang dumating, sunggaban ko na.” Hay naku, parang hindi yata bukal sa loob ang pagtugon, pero kailangan na nagsasama iyon. Ang Diyos na nag-o-offer, pero sana yung tao buong puso ring na tumutugon.

Kaya ang pagtitinginan ng Diyos at ng tao yan po ang ganap na pananampalataya. Sa buhay ng pananampalataya ang napakahalaga ay yung pagtitinginan, ugnayan ng Diyos at ng tao. Ang Diyos na nagpapasok sa atin at ang tao na gusto namang makapasok sa buhay ng Diyos. That is the core of faith the living and loving encounter between God who invites us to be part of His life and the courage in faith of the human person to say, Yes, I will enter your life. I want to be part of your inner life.

Kung atin pong titignan ito napakalaking biyaya ng pananampalataya. Sino ba tayo para anyayahan ng Diyos na makapasok sa kanyang buhay? Sino tayo? Hindi tayo karapat-dapat. Pero ang Diyos binubuksan ang pinto para sabihin, “Halika kayo, gusto ko kayong katoto, kasama, kabahagi sa aking buhay. Halikayo.” Eh tayo nga ho hindi basta basta nagpapapasok ng kung sinu-sino sa ating mga bahay. Bago natin mapapasok sa ating bahay ang tao ilang kalmot na sa mga aso ang kanilang pinagdaanan. Hindi tayo basta nagpapasok. Ang mga pinto lalu na ngayon ay laging nakasara. Literally, mga gate ng mga subdivision na nagsasabing, “hoy, kung hindi ka namin ka-uri, hindi ka makakapasok.” At bukod diyan sa mga gate at pinto napakarami pang unseen doors na nagsasabing hindi ka basta makakapasok. Ang mga pintuang nagsasara sa mga taong hindi ka-level sa economic standing. Ang mga pintong nagsasara sa mga taong iba ang social standing sa akin. Ang pinto na nagsasara sa mga taong iba ang cultural standing kaysa sa akin. Ang daming pinto. Mabuti pa ang Diyos nagbubukas ng pinto at ang papasukin mo ay pinakabuhay niya, to share in His life. Who are we?

Kaya ng si San Pedro, naalaala ho ba ninyo yung milagro na wala silang mahulihuli pero nung tinulungan sila ng panginoon nakahuli sila ano ang una niyang reaction? Lumundag sa dagat at sabi, “depart from me. I am a sinner. Hindi ako karapatdapat maging bahagi ng buhay mo at bawat misa bago mag-komunyon, di ba yan ang sinasabi natin, “I am not worthy to have you under my roof.” We can also reverse it, “I am not worthy to enter under your roof, my God, but just say the word and I will be healed.” Binuksan mo, papasok ako, kahit hindi ako karapat-dapat.

Sabi nga malimit na expression ni Pope Benedict, “God provides space for us in his very life.” Nagbibigay ang Diyos ng puwang para sa atin sa kanyang buhay, sa kanyang puso. At ang tao naman sa pagpasok natin sa pinto ng pananampalataya, tayo ba ay magbibigay din ng puwang para sa Diyos sa ating buhay?

Kung ganito po ang titignan ng pananampalataya sabi po ni Pope Benedict, ang pananampalataya pala ay hindi primary, social, cultural, political or ethical program, but faith is first and foremost a living encounter between God and his people. A relationship where God shares his life with us and we abandon our whole persons, mind, heart, body, to him who loves us. At sabi po ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Roma, chapter 10, verse 10, “Itong ganitong pananampalataya na tumutugon ako sa tawag ng Diyos at inaalay ko ang aking buong pagkatao sa kanya, ito ang simula ng justification. Tayo na makasalanan, tayo na hindi makatarungan sa Diyos at sa kapwa ang pananampalatayang ito ang simula ng panunumbalik ng ating pagiging makatarungan.

So mga kaibigan ang pinakahamon po sa atin.. lahat naman po tayo dito ay nagsasabing, “I am a believer. Ako mananampalataya. Ako naniniwala sa Diyos. Ako miyembro pa nga ng ganitong organisasyon. Ako miyembro ng ganitong ministry. Ako member ng ganitong religious order o society or whatever or diocese. Ako ay may ID, may baptismal certificate ako. Baptism the sacramental entry to faith as a response to God’s word, so ako po ay believer. I belong to the faithful. Pero ang hamon ng taon na ito, okay, sige, meron ka nang documentary evidence pero yung pananampalataya na buhay ang aking ugnayan sa Diyos at ugnayan na nagpapabago sa aking direksyon ng buhay, meron ba nuon?

Alam po ninyo, tutal marami sa ating ay leaders sa mga parokya, maraming tao ang nanampalataya ayaw maging aktibo sa mga ministries at organizations sa simbahan. Kapag inaanyayahan mo, binubuksan mo yung pinto para sa kanila, ano yung sinasagot nila, “Ay huwag na lang Father. Tama na yung nagsisimba ako at nagdarsal at tumutulong sa kapwa. Kapag sumali pa ako magugulo ang buhay ko. Tignan niyo ang mga aktibo sa simbahan kung gaano sila kagugulo! Tignan niyo kung gaano sila magaway-away. Tignan niyo kung gaano sila magsiraan. Tignan niyo kung gaano sila magsplit ng magsplit at magsplit, talo pa ang buhok. Tignan mo kung gaano sila magaway away sa pera. Kapag ganyan na wala na akong masabi pero ang tanong ko ano nga ba ang faith? Have we encountered the faith? Nakikilala ba ang Panginoon? Yung pagkilala na nagpapbago sa takbo ng buhay ko. Habang buhay. Kasi wala akong sasabihin, wala akong gagawin na hindi katumbok sa Communion with the Father, Following Jesus and Openness to the Spirit and the promotion of the community called the Church.

Kaya ang taong ito ay paanyaya na buhayin natin yung ubod na iyon, yung ugat ng pananampalataya. Encountering the Lord so sana po palalimin ang pagdarasal, pagninilay, panalangin sa salita ng Diyos. To encounter the God who speaks to us. Palalimin ang ating pananalangin, pakikiisa sa ating Panginoon lalu na sa Santisimo Sakramento, makita ang Panginoon sa ating kapwa, sa mga dukha at pati sa kaaway. Love of enemies is an act of faith. Kung wala kang pananampalataya hindi mo mamahalin ang iyong kaaway. Kung tayo ay aasa lamang sa human psychological prowess hindi kayang mahalin ang kaaway. Pero kung puwede na mahalin ang kaaway, kung may pananampalataya ang tingin mo sa kanya ay hindi lamang kaaway kung hindi anak ito ng Diyos. Kapatid ko ito kay Kristo at ito ay hinihipan din ng Espiritu Santo. Kung wala yung living encounter with the Lord, eh walang mangyayari.

Kukuwento ko ho ito pero parang confession na rin, ho. Nung minsan may nagiimbita sa akin sa kanya raw birthday. Tinignan ko ho yung aking calendar, eh hindi naman ho ako talaga puwede. Sabi ko, “Sorry ho, hindi ho ako puwede.” Eh, halos araw-araw nag-te-text, tumatawag, nagiimbita, “Sige na. Sige na bishop umattend ka na ng birthday ko.” Eh ako naman matiyaga pa nung una, “Sorry talaga,” nagte-text ako. Pero mga limang araw na parang hindi naiintindihan ang text na, “Hindi talaga ako puwede, may conflict ako.” At eto na, pinuntahan pa ako! Naiinis ka na nga sa text eh yung pupuntahan ka pa. “Ano ba bishop, malapit na yung birthday ko. Sige na-naman, gawan mo ng paraan.” Sabi ko, “Mam (humihinga na ako ng malalim niyan) papaano ho ba? Ako humihingi sa inyo ng paunawa. Hindi ko nanam ho kayang puntahan ang lahat. Kung puede lang ho na hati-hatiin ko yung katawan ko.. Kalahati dito, one fourth diyan para mapuntahan lahat. Unawain niyo ho.” Talagang  iinit na yung ulo ko. Pero sinabi niya bigla, “Yung mga regalo sana sa birthday ko, ibibigay ko dun sa inyong seminaryo.” “Ah, eh, anong oras nga po iyon?” Di ba, katawa tawa? Di ba kahiya hiya? Palagay ko hindi lang ako ang ganyan. Kung minsan hindi pananampalataya, eh! Kung meron ka palang makukuha. Maliit na bagay iyan pero puwedeng lumaki iyan.

Sa isang kumpil, sabi ko dun sa mga bata. “O ngayon, sa bisa ng Espiritu Santo kayo ay bibigyan ng lakas para lalo kayong makasunod kay Kristo at maging buhay na miyembro ng simbahan. Kaya sa pamamagitan ng pananampalataya makikita na inyong priorities. Tinanong ko after ng kumpil, “Ano ang mas mahalaga, manuood ng TV o pag-aaral?” “PAG-AARAL PO!” Galing. “Ano ang uunahin, paglalakwatsa or pagdarasal?” PAGDARASAL PO!! Saan ka pupunta, sa misa or sa plaza na nagbibigay ng 30 million dollars? SA PLAZA PO NA NAGIBIGAY NG 30 MILLION DOLLARS. Wala man lang sumagot ng magsisimba.

Ang faith! Yung nakapasok na ako sa space of God and that changes my journey in life. It changes my priorities. It changes my decisions. My entry into that space of God. In communion with God and I enjoy my being part of that space of God. That will radically change who I am and my involvement with the world.

Meron hong isang pari na namatayan ng kapatid. Nung araw ng libing ng kapatid niya, hindi siya ang nagmisa. Maraming bulong bulungan, “Sariling kaptid hindi man lang pinagmisa.” Kilala ko po yung paring iyon. Nung minsan na mayroon akong pagkakataong makausap siya nakiramay din, tinanong ko, “Father, totoo ho ba na hindi kayo nakapagmisa sa libing ng kapatid niyo.” “Opo, totoo po.” “Paano ho bang nangyari iyon?”  “Kasi mayroon pong isang barangay na puro mahihirap na kahit minsan hindi pa namisahan ng pari. At ilang generations na na ang barangay na iyon ay hindi nakakatikim ng misa. Eh napangako ako na mimisahan ko sila. At nagkataon na iyon yung libing nga kapatid ko.”  Sabi niya, “Tinimbang ko. Yung kapatid ko, lalu na nung huling bahagi ng buhay niya araw-araw nakakatanggap ng komunyon at nag-aagawan pa ang mga kaibigan kong pari makamisa lamang sa kanyang libing. Pero itong barangay na ito nahalos nakalimutan, hindi ko sila kayang siphayuin muli, kaya pumunta ako sa barangay.” Sa mata ng mundo kaabalan. Pero itong pari na ito hindi naman sa kinacanonized at sa kanyang sagot at pagtugon alam mo na nakapasok siya sa isang space—the space of God which is also the space for the poor. The space of God that makes one suffer. Of course, masakit rin naman sa kanya bilang tao na hindi niya mamisahan ang kapatid niya sa araw ng libing. Pero mayroong ibang landasin. At iyong ay maipapaliwanag lamang dahil, he has encountered the triune God. This is not mere pragmatism. This is not functionalism. This is not practicality. This is rooted in a creeping experience of God.

Kaya huwag niyong mamaliitin ang pananampalataya. Ang taong nakapasok sa mundo ng Diyos, mahirap kalabanin. Tignan po ninyo ang buhay ng mga santo at mga santa, Pag binabasa ko ang mga santo at santo pagkatapos ang dasal ko sa Panginoon, “Lord huwag sana akong makaranas na makasama sa bahay ng isang santo o santa.” Siguradong napakahirap na may ganyang kasama, kasi mukhang iba ang space.

Pero sabi nga natin this is a life-time journey at it is a life-time journey of conversion. Aminin natin, maraming ibang space na napakasarap puntahan. Ang daming mga pinto na mas masarap pasukin. At aminin minsan kahit bukas na bukas na ang pinto ng pananampalataya tinatakasan natin at pinupuntahan pa natin at katok pa tayo ng katok duon sa mga ibang pinto na mukhang mas kaaya-aya sa atin. Nung bata-bata pa ako may kanta pa, eh. Yung, “Kay rami nang winasak na tahanan. Kay rami nang matang pinaluha. Kay rami nang pusong sinugatan. O tukso layuan mo ako.” Sino ho ang kumanta nun? “Eva Eugenio.” Marami akong kaidad dito! Si Eva Eugenio, alam niyo ho bang nakulong siya? Sa dami ng tahanang winasak, pusong sinugatan.. Kayo naman, hindi na kayo mabiro... Pero at least yung kantang iyon mayroon pang decency na sabihing, “O, tukso layuan mo ako. Huwag mong buksan ang pintuan sa harapan ko. Lumayo ka.” Eh ngayon minsan, “O tukso, narito ako. Buksan mo naman ang pintuan mo. Kangina pa ako kumakatok.” Mabuti pa yung kanta nuon, mayroong konting decency. Naalala ko nung high school ako mayroon pang kanta, “Go away little girl. I’m not supposed to be in love with you. I know that your lips are sweet. But our lips must never meet. I am dating somebody else. I must be true.” Mayroon akong dinedate. I must be true, kaya kahit na-attract ako sa iyo, go away, I have to be true. Ka-date lang iyan. Eh ngayon, multiple dates allowed. At mas marami kang kadate mas sikat ka. Ay naku po, it’s a lifetime of journey and not losing sight of the door of faith that will radically change us in order to be better members of the Church community and better citizens.

First point pa lang po iyon. Puede ko pong tapusan pa?

Ito po yung una, ang pintuan ng pananampalataya. At bago ko po iwanan ang bahaging ito bilang sambayanan ng Diyos, bilang katawan ni Kristo at templo ng Espiritu Santo, sana tayo po ay maging daan para ang pinto ng pananampalataya ay maging laging bukas para makapasok ang iba. Mayroon pong salita diyan sa ebanghelyo—eskandalo! Yung bang ikaw pa ang nagiging dahilan upang matalisod ang iba. Papasok na sana sa pinto natalisod dahil sa ito, hindi tuloy nakapasok. Kaya tayong mga kilalang malapit sa simbahan, perfect attendance sa MAGPAS, maging tagabukas ng pinto at hindi hadlang sa mga papasok sa pinto ng pananampalataya.

Punta po ako sa pangalawa at panghuling punto. So sa unang punto binigyan po natin ng pansin na ang pananampalataya ay biyaya ng Diyos na sana ay ating tugunan at ito ay uuwi sa malapit na ugnayan sa Diyos. Makikila ko na ang Diyos ay nagaanyaya sa atin na pumasok sa kanyang buhay at nagiiba na ang aking buhay kasi iba ang space na napasukan ko.

Pero ho bilang huling bahagi, kung gusto naman natin lagyan ng konting systemization, kasi itong encounter with God medyo nangyayari sa puso natin, pero sa loob ng sambayanan, itong tinatawag nating pananampalataya ay mayroon pong tatlong components.

Ang una po ay – ang pananampalataya ay mayroon pong “content” o nilalaman na kailangan natin malaman at ipahayag. So Faith has a content that we must know cognitively, intellectually, and that we should profess. At dito po ay pasok na pasok ang catechetical instruction, religion classes, bible study para alam natin ang ating sinasampalatayaan. So mahalaga sa pananampalataya ang pag-aaral. Alam mo ang salita ng Diyos, alam mo ang katesismo, alam mo ang turo ng simbahan, para, sabi nga sa unang sulat ni San Pedro, makapagbibigay ka ng paliwanag sa mga nagtatanong sa iyo, at pati sa mga tumutuligsa sa iyo. Alam mo ang iyong sinasampalatayaan.

This is the cognitive aspect of faith at huwag po natin itong mamaliitin. Nung minsan may kausap akong bata, sabi ko, “O iho, how many persons ang nasa Trinity?” Sabi niya, “Tatlo.”  “Sinu-sino?” “Father, Son, Holy Spirit.” “Very good!” Tapos siya ang nagtanong, “Bishop ba’t hindi po natin gawing apat.” Siguro sawang-sawa na yung bata sa tatlong persona, gusto niya apat. “Bakit naman?” Sabi niya, “the more the merrier!” Eh, kung apat na ang persona hindi na iyan trinity, ano na ang tawag diyan?” Sabi ko, “Alam mo iho, hindi naman inimbento yang Trinity. Ganyan nagpakilala ang Diyos.” But it matters. It matters that there are three persons and the moment they become four persons, alam mo iba ng grupo iyan.
Mayroon po akong isang estudyante sa oral examination may sinabi siya. Sabi ko, “Yang sinabi mo na iyan, nasa bibliya ba iyan?” Medyo may yabang, eh. “Opo. Nasa bibliya.” Sabi ko, “Saan sa bibliya?” “Nasa ika-tatlumpung kabanata ni San Mateo.” “Huh, teka. Ano ba ang bibliya mo? Hanggang dalampu’t walo lang ang kapitulo ni San Mateo, sa iyo tatlumpu.” “I do not know father.”

Aba, it matters, kung hindi mag-iimbento ka. Mayroon isang catechist sabi sa akin, tinuturo ko po sa aking mga estudyante, “Jesus said, ‘Cleanliness is next to Godliness.’” Sinabi ba ni Hesus iyon? Hindi. We need to know. At minsan dito tayo napapatigil. Ayaw nating aralin ang nilalaman ng ating pananampalataya kaya pag tayo ay na question ng ibang grupo at wala tayong maisagot sasabihin kaagad natin, “Tama sila. Mali ang simbahan natin.” Hindi mali ang simbahan natin, kinatamaran mo lang. Pumasok sa pinto ng pag-aalam sa ating pananampalataya. Pag mayroong bible sharing biglang nagkakarayuma, biglang sumasama ang tiyan. Pero pag mayroong artista na darating sa plaza pag fiesta, anong rayu-rayuma? Takbuhan! Pero pag ang pinto ng getting to know my faith ayaw pumasok. Pang madre lang iyan. Pang katekista lang iyan. Hindi naman ako magpapari eh. Hindi naman ako church worker. Hindi. We should know the Man who we love. Kayo ba magpapakasal sa isa na hindi niyo alam ang pangalan? Aalamin niyo. May itatanong Kayo. Tiga-saan ka? May asawa ka na ba? Saan ka galing? Ilang taon ka na? May insurance ka ba? Yung iba iyon ang unang tinatanong, eh. Pag walang insurance, a di bale na.. Sarado na ang pinto .

Faith has that goal of knowing which is important. So itong taon ng pananampalataya, sana taon din ng masigasig na pagbabasa at pagaaral ng Salita ng Diyos sa Bibliya. O kanina lang ho nagkaroon ng fun run, “That they may be one” , yun pong ating habol na five million families magkaroon ng bibles. Sana sa taong ito, yung katesismo ng ating pananampalataya.
May ikalawa pa po. Ang ating pananampalataya hindi lamang inaalam. Ang pananampalataya rin ay ipinagdiriwang. Faith is not only known and professed, faith is also celebrated. Ito po yung aspeto naman ng panalangin, liturhiya, sakramento, lalo pa nga ang Eukaristiya. Di ba sa misa sinasabi natin, “Let us proclaim the mystery of faith.” Yung salitang “mystery”, misteryo, yan po ay isinalin sa salitang “sacramentum”. Kasi po ang pananampalataya ay mystery. Mayroon mauunawaan pero may mga bahagi na malalalim na mystery na hindi makayang unawain pero kayang maranasan.

Halimbawa po, katatapos lang ng Valentine. Pupuwede niyong ipaliwanang sa isang card o sulat ang iyong pananaw sa pag-ibig. Pero pagkatapos mong maisulat, basahin mo, kulang pa rin. Mas malalim pa ang pag-ibig kaysa duon sa kaya mong sambitin sa pamamagitan ng salita; yung hindi mo kayang basahin yan ay ipagdiriwang mo sa pmamagitan ng symbols. Padadalhan mo ng chocolates. Padadalhan mo ng roses. Narinig mo na ayaw niya ng naninigarilyo, titigil ka ng paninigarilyo. All of these are symbols but they communicate effectively also the content of love. The content of love is not communicated only through words. In fact, the bigger the mystery, the more you need symbols. At ganuon din ang pananampalataya. Kaya mga sacramento, tignan niyo, hindi lahat mga salita, may mga simbolo. Sa binyag, maikli lang yung salita, eh: “Binibigyagan kita sa ngalan ng Ama, Anak, Espiritu Santo.” Yun ang salita pero yung tubig na nararamdaman ng bata at iiyak yung bata at yung nanay biglang sasabihin, “Kristiyano ka na”, yung affair na iyon ay mayroong ipinahahayag tungkol sa pananampalataya.

And this is one great challenge to us during this Year of Faith. Kasi po ang ating mga liturhiya, ang ating mga sacrament, nakakalungkot sabihin, minsan hindi nagiging pagdiriwang ng pananampalataya. Minsan ang pananampalataya ang kahulihulihang bagay na inaasikaso sa mga sakramento. Ang mga sakramento minsan nagiging sosyalan, at nagiging kultural na tradisyon lamang pero yung pananampalataya ang kahulihulihang iniisip kaya reklamo ng reklamo yung iba, “Bakit pa kailangan may seminar? Bakit kailangan pang may catechesis?” Mayroon nga po akong nakausap, nung pre-cana. Sinabi ko dito po sa simbahan mayroon pong ipinapatupad na dress code sana po naman yung pananamit ng bride at ng lahat ng kasama sa kasal.. Sagot sa akin, “Eh bakit po naman pinapakialam ng simbahan yan, hindi naman kayo ang gagastos sa aking wedding gown. Pero yung mga damit mo should speak of your faith. The symbols that you used should speak of faith. Eh, biro niyo po nakatanggap ako ng sulat mula sa isang ikakasal, humihingi ng permiso kung pupuwede raw ang maging ring bearer ay ang kanilang aso. Yung matagal na nilang alagang aso, kung puwede raw yun ang ring bearer. Ah, eh, ano na ba ngayon ang kasal? Ano ang kinalaman ng aso sa faith?

Tapos ho mayroon pang isang kasal na 45 minutes kaming hindi nagsisimula. Eh ako ay may tinanggap na isa pang susunod na appointment, Linapitan ko yung groom, sinabi ko, “Bakit hindi pa tayo nagsisimula. Nandiyan na ba yung bride?” “Opo.” “Yung mga ninong at ninang, mga abay?” “Opo.” “O, bakit hindi pa tayo nagsisimula?” “Kausapin na lang po ninyo yung coordinator.” Lumapit yung coordinator. Sabi ko, “Bakit hindi pa tayo nagsisimula?” “Wala pa ho ang mga paru-paro.” “Anong paru-paro?” “Kasi ho, habang naglalakad yung bride, magpapalipad po ng paru-paro.” “Ano ang kinalalaman ng paruparo sa pananampalataya? Magsisimula palang kayong magsama lilipad na, maghihiwalay na kayo kaagad. Ano ang kinalaman niyan? Naiintindihan niyo ba yung kahulugan?” Sabi sa akin, “Ako po ang coordinator, magsisimula po kayo pag sinabi ko,” Aba ay tumayo ako, sinabi ko, “Ako ang official witness ng simbahan. Sisimulan ko na ito.” Eh hindi pa handa yung choir. Ako na. “Dan dan dadan... Martsa, takbo!!” Siguro kung pinanonood nila lagi yung video ng kasal nila kitang kita nila ang... Pumasok na yung groom, pumasok na yung mga abay, kung kailan papasok yung bride, isasara yung pinto. Ang kasal ganyan ngayon, eh. Pasasara yung pinto. Ayan habang buhay kayong magsasarahan ng pinto! Bakit ba pasasara yung pinto? Bakit? Ah... Hindi na pananampalataya yan. Ano na yan... gimmick, pa-borloloy, ka-ekekan na lang yan. Ba’t hindi na pananampalataya yan, bakit mo pagsasaran ng pinto ang iyong bride? Hay naku!

Mga libing na hindi mo alam kung Christmas party, kung ... napakadaming mga Christmas light. May mga anghel pa na ... Hindi ko na alam... Baka mayroon dito na nasa liturgical ministry, we celebrate the faith and make the faith palpable.

So faith to be known and professed., una, the content of the faith.- aralin, ipahayag, ituro. Ikalawa po, pananampalataya na ipinagdiriwang dahil napakalalim ng pananampalataya hindi nakukuha lamang sa salita at karunungan kundi sa pamamagitan ng mga simbolo ng pananampalataya.

At pangatlo po ay ang pananampalataya na isinasabuhay. Isinasabuhay lalo na sa isang buhay na moral at ethical and moral-loving as individual persons, as families and as a society, and, let me, AS A CHURCH. Bahagi po iyan ng pananampalataya na ang pinaniniwalaan natin at ipinagdiriwang sa pananampalataya ay maging lifestyle at maging uri ng pakikiugnay sa kapwa, sa lipunan at sa kalikasan. Kapag hindi po umuwi sa buhay na ethical na hindi nakabatay sa pananampalataya sasabihin ng iba hindi ka naman pala naniniwala sa iyong ipinahahayag o kaya hindi naman pala totoo ang iyong ipinahahayag na pananampalataya.

Sabi nga po ni Pope Paul VI ang mundo natin ngayon mas nakikinig sa mga witnesses, sa mga saksi kaysa sa guro at yung guro mahusay magsalita at maraming alam pero kung yung kanya namang buhay ay taliwas sa pananampalatayang kanyang sinasabi, kanya ang mga tao ay hindi na makikinig at hindi na maniniwala. Papaano mong sasabihing bahagi ng pananampalataya ang sabi ng Panginoon, “Huwag kang magnanakaw” pero nakaw ka ng nakaw. Ipinahahayag mo na “Huwag kang magngangalunya” pero sa buhay mo talaga namang wala kang kasiyahan, aba, parang pinabulaan mo na rin ang iyong sariling pananampalataya.

Bilang pangwakas ko pang halimbawa rito.. Nung ako po ay nag-aaral sa ibang bansa, pagkatapos nung People Power revolution, yung Edsa 1, kasi, wala po ako rito, nasa ibang bansa po ako, sikat na sikat talaga ang ating bansang Pilipinas. May mga t-shirt ako nun na “I am proud to be a Filipino.” Pag nakita kang naglalakad talaga pipigilin ka nung mga... “Are you a Filipino?” “Yes.” “Oh, congratulations.” Lahat sila tuwang tuwa sa atin at parang silang lahat gustong maging Pilipino. Pero may isa akong kaklaseng Amerikano sabi niya, hindi ito Katoliko, (in English) “Nakita ko sa TV parang ang lalim ng mga Filipino dun sa Edsa. Kita ko mga rosaryo, mga statues, ang lalim ng pananampalataya niyo.” “Yes, yes, of course!” Sabi niya,  at yung devotion to Our Lady I have not seen anything like it.” “Yes, Pueblo Amante de Maria. What do you expect? Nothing less.” Sabi niya, eh kung ganyan kalalim ang pananampalataya bakit rampant ang corruption sa inyo? (Buwisit). Pero, ganuon, we take pride, sabi natin, we are the predominantly Christian country in Asia and then they report number one, too, in corruption. We have a mission in Asia. Alam ba ninyo na kalahati ng mga Kristiyano sa buong Asia ay nasa Philippines? Papaano tatanggapin ng ibang bansa sa Asya ang pananampalataya kung makikita nila wala naman palang epekto ang pananampalataya, para pagandahin ang buhay, para buhay na may integrity. Sasabihin nila we are probably better off as we are.

Malaking hamon po ito sa panahon ng pananampalataya. At sama pagsasamahin po natin.. pananampalataya inaalam at inaaral, pananampalataya ipinagdiriwang, pananampalatayang isinasabuhay sa simbahan at sa lipunan.

So ito po ay dalawang puntos kung pakikinggan lang po ay parang napakadaling unawain. Pero katulad po ng nasabi natin at dito po tayo magtatapos ang pananampalataya ay biyaya. Hilingin natin sa Panginoon na huwag siyang magsasawa sa pagbubukas ng pinto para sa atin. Huwag siyang magsasawa na tayo minsan ay tumatalikod o humahanap ng ibang pinto. Sana huwag siyang madadala. Panatiliin niya bukas ang pinto ng pananampalataya at tayo ay magkaroon din ng biyaya na pumasok. Sa pananampalataya, aalamin, ipagdiriwang, at atin ding isasabuhay.

Tayo po ay tumahimik sandali....

Magpasalamat po tayo sa biyaya ng pananampalataya...

Humihingi po tayo ng tawad sa maraming pagkakataong naging atubili tayong pasukin ang pinto ng pananampalataya at ipinagpalit natin ito sa iba pang mga pinto.

Humihingi rin po tayo ng lakas upang ating mapakatawanan ang ating buhay pananampalataya.... At isaalay natin ang ating buhay pananampalataya at misyon sa kamay ng ating mahal nating Ina, ang Ina na kasama natin sa paglalakbay dahil siya ay huwaran ng pananampalataya.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen. Salamat po.

----------------------------------------------------------
 Source: http://rcam.org/news/326--the-door-to-faith

Saturday, March 3, 2012

PEDRO CALUNGSOD: SAINTHOOD



On 19 December 2011, the Holy See officially approved the miracle qualifying Calungsod for sainthood by the Roman Catholic Church.[13] The recognised miracle dates from 2002, when a Leyte woman who was pronounced clinically dead by accredited physicians two hours after a heart attack was revived when a doctor prayed for Calungsod's intercession.

Cardinal Angelo Amato presided over the declaration ceremony on behalf of the Congregation for the Causes of Saints. He later revealed that Pope Benedict XVI approved and signed the official promulgation decrees recognising the miracles as authentic and worthy of belief. The College of Cardinals were then sent a dossier on the new saints, and they were asked to indicate their approval. On 18 February 2012, after the Consistory for the Creation of Cardinals, Cardinal Amato formally petitioned Pope Benedict XVI to announce the canonization of the new saints. The Pope set the date for 21 October 2012 (World Mission Sunday).

After Saint Lorenzo Ruiz, Calungsod will be the second Filipino declared a saint by the Roman Catholic Church. The Roman Catholic calendar of Martyrology celebrates Calungsod's feast along with Blessed Diego Luis de San Vitores every 2 April.

-----------------------------

Source Image:
http://en.wikipedia.org/wiki/File:PetrusCalungsodGlassWindow.jpg

THE RELEVANCE OF PEDRO CALUNGSOD TO THE FILIPINO YOUTH TODAY

How relevant is Pedro Calungsod to the Filipino youth today?   
(by C. G. Arévalo, S.J.)

The youth of the Philippines today are undergoing a period of severe testing of the traditional “faith of their fathers”. The well-known shortage of priests and even religious; the lack of religious and catechetical formation (it has been estimated that less than 10% of Filipino children receive adequate catechetical instruction) especially in the urban areas, but increasingly in rural areas as well; the massive population movements toward the cities, where traditional family structures breakdown, and with them the handing-on of traditional Christian belief and values; the moral impossibility for traditional parishes to reach the majority of children and teen-agers in the massive slums which are rising around the big cities—all these factors contribute to the erosion of Faith among the youth in the Philippines.

But, perhaps the most serious breakdown of the life of faith among the young is the work of the mass media and the global youth culture it propagates, even to the furthest mountain barrios, areas still largely unreached by schools and traditional means of instruction. The beliefs and values of often decadent post-modernist currents in the West are fast becoming the norms by which young people everywhere live: the morality, above all, so far removed from what the Church teaches in family life, in sexuality, in the pursuit of material wealth and of gratification (consumerism, drugs, etc.). The victim of all this invasion is the traditional Faith, the traditional moral standards, the cultural ways of life and behavior which 400 years of Christianity have tried to make part of the Filipinos’ way of life.

It is within this rather sombre background that we must raise the figure of Pedro Calungsod. Here was a young man who knew his Faith, who was willing to leave his country to be a missionary in a distant land. He spent practically all his teen-aged years teaching the Faith, laboring for its spread, undergoing difficult trials and surmounting them, out of love for the Lord, out of his devotion to the Church, its teachings, its way of life. At the age of around 17 he gave up his life for the Faith, bravely and fearlessly.

Against the attacks on Christian life, against the prevailing lack of commitment to anything beyond material gain in contemporary culture, against the confusion and relativism of post-modernism, the unrestrained struggle for wealth and pleasure of the global culture preached by the media, we can place before the eyes of the young a role model of commitment to Christ and to his Gospel. We can invoke the intercession of a 17-year-old native Filipino to pray for, inspire and lead young people to a new understanding and love for Christ and his way, to a willingness to give witness to what the Gospel teaches, to a readiness by a young person to give his life for Christ and his Church.

More: in an age when, as Pope John Paul II has said, youth in the Philippines must be willing to bravely proclaim their Christian Faith, both at home and even in other lands, what more splendid thing can be done than to give a concrete young person, catechist and missionary who is alive in the Crucified and Risen Christ today, for our young people to know, to pray to, to imitate?

Pope Paul VI called Asia “the continent of the young”. In fact, in rounded figures, Asia counts a total population of nearly 4 billion people, and nearly two-thirds of these billions are young. Pope John Paul II indicates in his Apostolic Exhortation Ecclesia in Asia that Christians are a tiny minority in Asia. Jesus and his Gospel must still be proclaimed to billions in Asia who have not yet effectively encountered the Christian Faith. Of about 105 million Catholics in Asia, some 69 million are in the Philippines. Thus, the Philippines has a special responsibility to proclaim Jesus Christ and his Gospel in Contemporary Asia. Pope John Paul II, during World Youth Day in Manila in 1995, told the youth of the Philippines that they have a challenge and a duty “to tell Asia and the world of Christ’s love”, to make “the new evangelization” a task they must take to heart.

All this serves as a background against which we can reflect on the significance of Pedro Calungsod, a young Filipino martyr, for our time, and the significance that his beatification has for the young people of the Philippines today. This young Filipino-Visayan emerges from contemporary 17th century accounts as a remarkably attractive figure—one to capture the imagination and idealism of young people even in our post-modernist age: a martyr for the youth to look up to, in an age when Jesus and his Gospel must be proclaimed anew to the world that knows him so little, and needs him so much.

-----------------------------------------------
Source:  http://pedrocalungsod.page.tl/Relevance.htm

Source Image: 
http://images.search.yahoo.com/images/view;_ylt=A2KJke5bLlJPYzYAoOmJzbkF;_ylu=X3oDMTBlMTQ4cGxyBHNlYwNzcgRzbGsDaW1n?back=http%3A%2F%2Fimages.search.yahoo.com%2Fsearch%2Fimages%3Fp%3Dblessed%2Bpedro%2Bcalungsod%26ei%3DUTF-8%26fr%3Dyfp-t-701-s%26tab%3Dorganic%26ri%3D69&w=930&h=1280&imgurl=www.tumblr.com%2Fphoto%2F1280%2F15402990819%2F1%2Ftumblr_lxdz8kbdor1ql01fe&rurl=http%3A%2F%2Ftheredboxer.tumblr.com%2Fpost%2F15402990819%2Fopus-in-focus-blessed-pedro-calungsod-2011-by&size=507+KB&name=OPUS+IN+FOCUS%3A+%E2%80%9CBlessed+Pedro+Calungsod%E2%80%9D+%282011%29+by+Jose+Alain+...&p=blessed+pedro+calungsod&oid=9a492c6760e3f7f4bc474090a971d3ac&fr2=&fr=yfp-t-701-s&tt=OPUS%2BIN%2BFOCUS%253A%2B%25E2%2580%259CBlessed%2BPedro%2BCalungsod%25E2%2580%259D%2B%25282011%2529%2Bby%2BJose%2BAlain%2B...&b=61&ni=112&no=69&tab=organic&ts=&sigr=12sku16gs&sigb=13g8josrh&sigi=120oqg3q9&.crumb=F3ENrN/hn9C